Sunday, 12 April 2009

KATANUNGAN

KATANUNGAN

Nagkataon nga lang na ang ating pagkikita?

O talagang pinagtagpo tayo nang tadhana?

May ipapangako bang tunay at wagas na pag-ibig?

O isa lamang pasakit hanggang sa libing?

Lahat ng mga pangyayaring ating pinag-sasaluhan

Ay di maiiwan ng aking puso

Pakiusap huwag mong sabihin ika'y aalis na,

at iiwan akong mag-isa.

Sabihin mong hindi pa ito ang oras ng pamamaalam

Sabihin mo lng ang kailangan kong malaman

Ayokong mawala ka

Ayokong pakawalan ka

Mayroon na bang bago diyan sa puso mo?

Mayroon bang gustong tayo'y paghiwalayin?

Kahit anong mangyari,

Nasaan ka man, nandito lang ako

Ito na ba talaga ang oras para ika'y pakawalan na?

Ito ba ang aking aanihin?

Kay raming mga tanong sa puso ko?

Sabihin mo sa akin ngayon, ano na yon?

~Saint Luis High School Philex~

No comments:

Post a Comment