Sunday, 12 April 2009

Buhay Estudyante

BUHAY ESTUDYANTE
Sabi ng iba, ang pagiging estudyante ay napakahirap
Maraming proyekto,takda,pagsusulit na hinaharap
Pero di nila alam ang maging estudyante
ay napakasarap
Dahil dito, nabubuo ang mga simpleng
pangarap.
Minsan hindi maikakailang
Ika'y bumagsak
Pero sa halip na umiyak
Bumangon ka't tuparin ang iyong pangarap.
Ang iba naman gustuhin mang mag-aral ay di nila magawa
Dahil panustos sa pag-aaral ay hindi nila kaya
Ngunit ikaw na may maraming pera
Ginagasta mo lang, sa mga bagay na
walng kwenta.
Mapalad ka, parte ng iyong katawa'y buo
Ngunit ang iba, ni kamay wala sila
Kapag sila'y pumapasok sa paaralan
Kanilang kapansanan ating pinagtatawanan
Sa halip na tulungan
Kanilang damdamin, ating sinasaktan.
Kahit gayunpaman, sana'y ating matutunan
Na ating kapwa'y pahalagahan
Ating pag-aaral ay huwag pabayaan
Dahil yan lang ang maipapapamana
ng ating mga magulang.
~Saint Luis High School Philex~

No comments:

Post a Comment